Digital gadgets, maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata – DSWD
MANILA, Philippines – Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ang sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget tulad ng smartphone, tablet at iPad.
Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang ipad ng kanyang magulang.
Sumasailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa London matapos kakitaan ng widrawal symptoms na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alkohol at droga.
Gagastos ng 16,000 pound o halos 1-milyong piso para sa digital detox program.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat ay limitado lamang ang oras ng pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata.
“Pati pagkain niya hindi nakakain that is very detrimental then halimbawa yung pati pagwiwi niya pinipigil na niya basta wag lang siya maputol sa games niya, may effect din sa health niya kasi baka magkaroon din siya ng UTI,” pahayag ni Cheryl Pacao-Mainar, DSWD-Protective Services Bureau.
Mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet games lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
Ayon sa DSWD, posibleng gayahin ng mga bata ang mga ginagawa ng mga character sa mga online games.
“We’ve seen and we’ve heared stories ba dahil nakaaadik ganung types ng games, tapos pag nakakakita yung tipong namamaril parang feeling nila madaling gawin yun kasi barilan nga yung kanilang pinaglalaruan.”
Bukod dito, maaari ding maapektuhan ang pagaaral ng isang bata kung hindi makokontrol ang kanyang paglalaro.
“Yung grades niya pwedeng maapektuhan, pwedeng bumaba or yung school participation niya maaapektuhan din kasi he’d rather play than interact with other children.”
Ayon pa sa DSWD, posible ring magtulak sa isang bata na magnakaw para lamang makapaglaro sa internet shop.
Payo ng ahensya, kung gustong pagbigyan ang mga bata na gumamit ng mga digital gadget, magdownload na lamang ng mga application na maaaring makatulong sa paglinang ng kaisipan ng mga bata gaya ng mga instruction sa pagbabasa.
Kailangan ding bantayan ang oras sa paglalaro nito at limitahan ang mga bata sa pagpapagamit sa mga digital gadget.
“Kailangan lang iregulate ninyo like you allow them to play foe about 30 min then tell them na maglolowbat kasi anak. There are limitations din sa ginagamit niyang gadgets,” pahayag pa ni Pacao. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)
Reference: https://www.untvweb.com/news/digital-gadgets-maaaring-makasama-sa-kalusugan-ng-mga-bata-dswd/
Tiyak at malinaw ang impormasyon na makakatulong sa mambabasa na huwag masyadong gumamit ng gadget sapagkat nakakasama ito sa kalusugan
TumugonBurahinAng teknolohiya ay napatunayan na kapaki-pakinabang sa edukasyon ng mag-aaral, subalit may masamang epekto rin pala ito salamat impormasyong iyong ibinahagi
TumugonBurahinTiyak at tumpak ang impormasyon na ito, madali lamang maintindihan, malinaw ang pagbigay ng impormasyon at walang mali sa gramatika at bantas.
TumugonBurahinSalamat sa iyong malinawg na impormasyon ngayon lilimitahan ko na ang pag-gamit ng gadgets.
TumugonBurahinNapakaganda ng iyong pagkakasulat dahil marami itong impormasyon na nilalaan para sa mga mambabasa.
TumugonBurahin